this is me.



Ang sweet mo daddy ko!

Kung ikaw ay isang binatang babae o lalaki na maraming hinaharap na problema, kanino sa tingin mo ikaw tatakbo upang humingi ng gabay o tulong? Sa iyong mga kaibigan? kapatid? kamag-anak? o magulang? Ngunit hindi ba mas nakakagulat kung ang gusto mong takbuhan ay ang mismong lalapit sa iyo?

Nasabi ko ito dahil hindi ko talaga inaasahan ang ginawa sa akin ng aking ama. Mga 3 linggo narin ang nakakaraan ng mangyari ang insidenteng ito. Ako’y nakaharap sa aking computer at gumagawa ng isang proyekto ng biglang lapitan ako ng aking papa. Tinanong niya ako kung ano ba daw ang aking problema, ang sabi ko nama’y wala. Ang sabi naman niya sakin ay hindi siya naniniwala na ako’y walang kahit anong problema kaya’t mas mabuti na daw na sabihin ko sakanya. Dahil nga ama ko siya, alam ko naman na kahit papano matutulungan niya ko sa aking pinagdadaanan, kaya’t buong puso akong nag-open up sakanya.

D

Nag-usap kami ng masinsinan ng aking ama. Sinabi ko saknya lahat ng aking nararamdaman at mga problema. Matapos yun ay sinabi naman niya ang mga payo niya para sa akin. Ngunit hindi lang basta payo ang kanyang mga nabangit. May nasabi siyang mga bagay na hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya sa akin. Isa sa talagang pinaka sweet na sinabi sa akin ng ama ko noong gabing iyon ay ang “hindi lamang ako nandito bilang isang magulang kundi bilang isang kaibigan rin.” Naiyak nalang ako matapos niyang sabihin iyon dahil hindi ko akalain na ganoong nagaalala ang aking ama sa akin. Syempre sa lahat ng tao tatay ko pa mismo ang magiging ganoon sa akin. Nabangit rin niya na ayaw niya kong nakikitang umiiyak kapag ako’y nag-iisa dahil minsan kapag sinisilip niya ko sa aking kwarto, alam niya kung umiyak ako o hindi. May panahon rin na nag-away kami ng boy friend ko at tinulungan ako ng aking ama na ayusin ang aming problema. Siya narin mismo ang kumausap sa boy friend ko para maayos ang aming relasyon. Nakakagulat man isipin na isang ama ang gumagaw ng lahat ng ito sa anak niyang babae, na dapat ang nanay ang mas katulong niya sa mga problema niya.

Ako kasi yung tipo ng tao na hindi inoopen-up lahat ng bagay. Kung kailangan ko siyang itago, sa akin na lalamng iyon at walang ibang mkakaalam. Kaya’t ako’y nangako sakanya na mas magiging open-up ako, na hangga’t sa maari ay ibahagi ko sakanya ang aking mga daing at problema.

Isa lang talaga ang masasabi ko ngayon, wala man akong matakbuhang iba, andyan parin ang aking magulang na patuloy sumusuporta at handing tumulong sa akin. Mahal ko ang aking mga magulang.


Mag-iwan ng Puna

(kailangan)

(kailangan)



Pagsasabalangkas ng iyong puna
Bumalik sa Itaas | Textarea: Higit na malaki | Mas maliit