TRANSFORMERS

Kelan ka pa ba nakakita sa isang pelikula na ang isang truk ay nagiging isang dalawamapung talampakang taas na robot? Masasaksihan mo ang aksyong ito sa Transformers!
Ang Transformers ay isang pelikula puno ng aksyon na idinirek ni Michael Bay. Ipinalabas ito noong nakaraang taon, buwan ng Hulyo. Isa lamang itong kartoons noon na isinapelikula, upang bigyan ng buhay na angkop sa karaniwang buhay ng tao.
Ang istorya ay tungkol sa isang binatang lalaki na nagngangalang Sam Witwicky na ginampanan ni Shia LaBeouf, na naipit sa gulo ng mga Autobots, na tinagurian tagapagtangol at ng mga Decepticons, na tinaguriang masasamang robots. Sila ay parehong taga ibang planeta. Pareho ding nagaanyo na pang karaniwang sasakyan o makina sa mundo nating ginagalawan.
Ang pagnanais ng Decepticons ay maisakamay nila ang All Spark na siyang lumikha ng robotic race. Gagamitin nila ang kapangyarihan nito upang bigyang buhay ang mga makina o kagamitang pang teknolohiya sa ating mundo. Sa pamamagitan noon ay makakagawa sila ng hukbo na tuluyang sisira sa buhay ng mga tao sa mundo.
Kasama ni Sam sa kanyang pakikipagsapalaran na ito, ay ang kanyang kaibigan na si Mikaela na ginampanan naman ni Megan Fox. Hangga’t maari ay prinotektahan at sinusubukang itago ni Sam at ng mga Autobots ang nasabing All Sparks laban kay Megatron at sa mga iba pang Decepticons. Sa huli, ang mabubuti ang siyang nagwagi. Sa wakas ay natalo narin nila si Megatron. Nagawa ni Sam at ng mga Autobots iligtas ang buong mundo laban sa kapahamagan.
Ang pelikula ay talagang nagmukhang makatotohanan, sapagkat ang anyo ng mga karakter na robot ay buhay na buhay kumpara sa kanilang orihinal na itchura. Sa tulong ng mga makabagong teknolohiya at programa, makikitang mas detalyado ang bawat robot na inyong makikita. Kamangha-mangha rin ang pagkadesenyo sa bawat isa sa kanila pati narin ang pagkilos ng mga ito. Ang pag-kuha naman sa iba’t ibang angulo ng pelikula ay mahusay sapagkat ito ay halos tunay at buhay na buhay sa pag-sasapelikula. Ang interaksyon ng mga tao sa robot ay nagmukhang may namamalagi na mga robots dito sa ating mundo. Ang mga musikang ginamit naman sa pelikula ay angkop rin sa bawat senaryo.
Isa sa aking mapapayo matapos panoorin ang pelikula ay, pag-aralan mabuti kung papano iginuhit ang katangi-tanging detalye na halos buhay na tao ang gumaganap. Nakakapagtaka at nakakatuwa rin isipin kung paano nila nabigyang buhay ang bawat robot.
Makikitang mahabang panahon at maraming preparasyon ang iniukol upang mayari ang pelikulang ito. Isa ito sa mga kapuri-puring pelikula para sa akin dahil ito’y katangi-tangi at napakahusay ng pagkakagawa. Isa siya sa maraming pelikula na talaga namang magugustahan ng bawat isa, mapabata man o matanda.
Pacquiao vs. Dela Hoya: Mangyari ang Dapat Mangyari

Sa aking palagay hindi dapat humantong sa ganitong lebel si Manny, dahil ang kategorya ni Dela Hoya ay iba na kay Manny. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ni Pacquiao, kundi mas malaking tao lang ang kanyang hahamunin. Kahit alam natin at ng buong mundo na si Manny Pacquiao ang may hawak sa mga titolo ng kanyang kategorya, hindi ito sapat upang makipagbakbakan sa mas mataas ang lebel o kategorya sayo.
Naniniwala naman ako sa kakayahan ni Manny. Sa makatuwid, hindi ba siya ang isa sa mga magagaling na boksingero sa mundo? Kaya’t alam ko na kayang-kaya naman niyang tapatan si Dela Hoya. Ang nasa aking isip lang ay hindi pa ba sapat na talunin ni Manny ang mga kanyang ka lebel at turring bilang world champion sa kanyang kategorya? Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang dahilan ng laban nilang ito. Ngunit sa aking palagay naman ngayon ay nagmukang “pera” na lang ang kanyang habol. Hindi ba niya naiisip na hawak niya na ang iba’t-ibang titulo sa kanyang kategorya? Na sa dami niya ng napalalunang laban ay yumaman na siya ng todo at sobra sobra pa iyon upang suportahan at buhayin ang kanyang pamilya?
At na ang pera niya’y sapat upang siya’y tumigil sakanyang karera sa boxing?
Hindi naman sa tutol ako sa laban ni Manny at Dela Hoya, maliban sa popularidad ng 2 boksingero, hindi ko lang talaga maisip ang katangi-tanging dahilan ng kanilang laban. Pero syempre dahil ang pinagmamalaki ng Pilipinas na si Pacman ang sasabak sa laban, ang suporta ko syempre ay sakanya. GO MANNY!
P50M Bawat Heneral ni Rey Marfi/Rose Miranda
Ito’y isang balita ukol sa retirement fund ng mga retiradong AFP at PNP na heneral dito sa Pilipinas. Nakakalungkot man isipin na maliban sa corruption na nagaganap dito sa Pilipinas, ay may iba pang klaseng umaliya ang ngyayari. At ito nga ang sinasabing “underground retirement fund,” na isa rin paraan ng pagkuha ng pera ng mga opisyal sa hindi magandang paraan. Ang pinagkaiba naman nito sa korupsyon ay, hindi pera ng gobyerno ang kanilang natatanggap, kundi mga pera ng “jueteng lords.” Ito’y nagsisilbing parang suhol upang hindi maglabas ng kahit ano mang impormasyon ang mga opisyal na sangkot sa isyu.
Kaya paglabas itong balitang ito’y para sa kapakanan nating mga Pilipino. Para rin sa mga susunod na magiging heneral ng PBP o AFP, na mas maayos na ang pagpili ng karapat dapat na mailagay sa posisyon. Syempre, para mahuli narin ang mga taong sangkot sa nasabing retirement fund. At ang huli’y, masabi sa mga tao na ang mga nasa posisyon o mga tao na dapat pumoprotekta sa atin, ay pinoprotektahan mismo ang masasamang tao tulad ng mga jueteng lords at drug lords.
Sa aking palagay walang solusyon ang nasabing isyu, dahil kung sino pa ang responsable sa panghuhuli ay sila-sila pa mismo ang gumagawa ng kalokohan. Nagmumukang nadadaan nalang sa pera ang lahat ng bagay. Sa aking palagay ay hindi lahat ng opisyal ng gobyerno ay magiging responsable upang hawakan ang nasabing isyu. Hindi rin nila masyado papansinin ito dahil kung ang ibang problema’y hindi nila magawan ng solusyon pano pa kaya ito? Dahil sa nasabing isyu, nagmumuka na wala na tayong mapagkakatiwalaan pang opisyal, dahil ang magiging tingin naten sa kanila ay iisa; na kahit sa anong klaseng paraan maliit man o malki ay may gagawin at gagawin silang anumalya o kalokohan sa kanilang pananatili sa posisyon.
JOLOGS

Ang pelikulang Jologs ay kakaiba sa ibang pelikulang Pilipino na aking nasilayan. Ang kwento nito ay hindi ordinaryo. Hindi rin ito umiikot sa iisa o dalawang pangunahing tauhan at kontrabida lamang. Ito’y isang pelikula kung saan iba’t ibang klaseng kabataan na may iba’t ibang problemang hinaharap sa buhay ang pinagtagpo-tagpo sa pelikula.
Bawat tauhan ay nabigayan ng patas na pansin sa pelikula. Si Ruben (John Prats), ay isang estudyante na tinangalan ng iskolarship dahil napagkaalaman na siya’y anak ng isang mayaman. Si Mando (Deither Ocampo), isang gwardya na katrabaho ni Ruben sa kopi shop. Asawa ni Mando si Shona (Michelle Baile), na isang entertainer sa Japan . Si Trigger (Onemig Bondoc), ang may mayari ng kopishop, na nagsisante kay Mando sa trabaho. Nandyan din si Dino (Patrick Garcia), na isang seminaryo na umibig kay Fay (Jodie Sta. Maria), na ang problema ay kung dadalhin niya na sa susunod na lebel ang relasyon nila ni Dino. Si Kulas (Vhong Navarro) naman ay matalik na kaibigan ni Dino na may balak pakasalan si Joan (Julia Clarete). Nandyan rin si Iñigo(Dominic Ochoa), na kasamahan ni Fay sa isang Religious group, na nagkagusto kay Iza (Assunta de Rossi). At ang huli sa lahat na si Cher (Baron Geisler), isang bading na nagkagusto kay Ruben at napagtripan ni Trigger at ng kanyang kabarkada. Ang lunan ng pelikula ay sa Maynila. Ngunit ang kopi shop na pagmamay-ari nga ni Trigger, ay ang tanging lugar na kung saan ang storya ng bawat tauhan ay nagkatagpo-tagpo.
Masasabi ko na napakahusay ng pagkakaugnay-ugnay ng mga kwento ng bawat tauhan. Nakakatuwang rin isipin kung papaano ipinakita sa pelikula ang pagkakaugnay-ugnay nila. Hindi mo man maisip sa umpisa kung bakit paputol-putol ang bawat eksena at malabo ang daloy ng istorya, pagdating sa kalagitnaan ng pelikula ay maliliwanagan ka na sa pagkakasunod-sunod nito. Ang ginawang pagkakatagpi-tagpi sa mga magkakahiwalay na eksena ay mahusay at napakamalikhain. Ang pagpopokus sa mukha ng tauhan sa dulo ng bawat eksena ay nagpapahiwatig na buhay iyon ng nasabing tauhan.
Hindi man ganoon kaganda ang cinematograpiya ng pelikula, ay aking nabigyang pansin ang kahalagahan ng pelikula. Kaya ko nasabi na ito’y kakaiba dahil nga sa konsepto nito na, ang buhay ng lahat ng tao ay magkakaugnay. Ang pelikula ay nagpopokus din sa mga iba’t ibang klaseng problema ng kabataan ngayon at kung paano nila iresolba ang nasabing problema.
HABERDEI MARALIAO! ;)
Isa sa pinaka malapit kong kaibigan sa klase ay si Mara. At noong nakaraang Disyembre 8, ay ang kanyang pang 18 na kaarawan. Dahil walang pasok nitong araw na ito, napagisipan ko na bigyan siya ng isang surpresa sa susunod na araw. Sa tulong ng aking ibang mga kaklase, kami’y nagplano upang bigyang surpresa si Mara. Dahil nga 18 na taon gulang na siya, kailangan medyo espesyal ang surpresa. Kaya’t sakanyang surpresa siya’y may 18 roses. Pumili ako ng mga lalaki mula sa s20 na malalapit kay Mara. Buti nalang na karamihan sakanila ay “game na game” at sangayon sa plano. Nakakatuwa nga dahil pumayag din ang mga lalaki na magbihis ng longsleeves polo para sa surpresang ito. Problema namin ay kung pano pasusuotin si Mara ng hindi ordinayong damit sa araw na iyon. Sinubakan ng isa nameng kaklase na kumbinsihin siya na magsuot ng hindi ordinaryo, ewan nalang namin kung susundin nga niya.
Umaga ng Disyembre 9, nagtipon-tipon kaming magsusurpresa kay Mara sa McDo. Sinigurado namen na lahat na ng kakailanganin namin ay handa na at wala ng iba pang nakalimutan. Lahat ng mga lalaki ay naka polo at nakayos, nabili narin namin ang favorite cake niyang Ube Macapuno, napaprint narin ang maliit niyang tarpaulin, at ang bulaklak na gagamitin sa sayaw ay ayos ng lahat. Nagtungo narin kami ng 2nd flr sporstcom para ayusin ang lugar. Iniintay nalang namin ang pagdating ni Mara upang maisagawa ang surpresa.
Ngunit malapit ng mag ala-una at hindi parin siya dumadating. Isa pang problema ay nagpupumilit siya na dumeretcho na sa classroom dahil nga may klase kami ng 1. Hindi niya alam na kalahati ng klase ay magkakasama upang isurpresa siya. Dumating siya sa LaCasita sportscom ng mga bandang 1.15. Iniintay namin ang kanyang magiging reaksyon sa nakapaskil na tarpaulin at tumutugtog na background music. Ngunit hindi niya kaagad ito napansin. Nang lumabas sila Gemi, Teng, Tina, Paula at Lian sa La Casita akala niya’y hanggang doon lamang ang surpresa ngunit hindi. Isa-isa ko namang pinapunta ang mga lalaki na may dalang rosas sakanya upang siya ay isayaw. Nakakatuwa dahil nakita ko naman sakanyang mukha na siya’y natuwa at “natouch” sa aming ginawang surpresa. Matapos niyang isayaw lahat ng lalaki ay kinantahan na namin siya ng happy birthday, at siya’y halos naiiyak na.



Masaya ako dahil alam ko na ang aming planong surpresa ay matagumpay. Kahit medyo naasar siya samin nung huli kasi nalaman niyang pinagkakaisahan namin siya at pinapaniwala sa mga sinasabi namin para lamang siya’y mapasunod, masaya parin siya sa pangyayari. Syempre mas lalo niya kaming minahal dahil sa aming ginawa!
MASAYANG 18 NA KAARAWAN MARA!!!
MP
Ano nga ba ang kahulagan ng MP? Bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong Computer Science sa CCS ng DLSU, iisa lamang ang kahulugan niyan… MACHINE PROBLEM! Isa itong proyekto sa Computer Programming na ipinapasa bago matapos ang termino. Ngayong ikalawang termino, para sa asignaturang COMPRO2, 2 beses kami magpapasa ng nasabing MP. Sa unang pasahan ng MP, naayos ko naman lahat, wala masyadong problema, kinaya ko ang pag-gawa at higit sa lahat tama ang pagbudget ko ng oras. Pagdating naman sa pasahan ng pangalawang MP, ay… ewan ko nalang! Grabe hindi ko inaasahan na magbubuhos ako ng sobra sobrang oras para lang magawa ang MP2! 5 buong araw na purong programming aking ginagawa. 5 araw na ang kaharap ko ay ang aking computer. Wala na rin akong matinong tulog ng mga pnahon na iyon. Tipong matatapos ako ng mga 5-6 ng umaga matutulog sandali, tpos gising ng mga 10 para mag trasbaho ulit. May mga araw pa nga na wala talaga akong tulog, as in literal na dere-derectcho kong ginagawa ang proyekto. Nagkasabay sabay rin kasi ang mga iba’t ibang requirements para sa ibang asignatura kaya’t umonti ang oras upang gawin ang MP2. Grabe naawa nalang talaga ko para sa sarili ko dahil gustohin ko mang matulog, magpahinga o magpaka “bum,” ay hindi talaga maari dahil bawat sigundo, minuto at oras ay talagang importante sa pagawa ng nasabing proyekto.
Hindi ko talaga inaasahan ang ganitong sitwasyon ngayong nasa unang taon pa lamang ako ng kolehiyo. Hindi ko akalain na mararanasan ko na ang sunod sunod na pagpupuyat para lamang makapag pasa ng mga iba’t-ibang kinakailangan. Naiisip ko na tuloy ang mga susunod ko pang mga taon. Pahirap nang pahirap ang mga asignatura, mas komplikado ang mga ipapagawa, mas maraming puyatan din nga ba ito? Ayoko man isipin ngunit darating din talaga ang panahon na kailangan magsakripisyo para lang magawa ang mga nararapat gawin. Isa sa aking natutunan talaga ay dapat matuto ako ng tamang paghahati ng oras sa aking mga gagawin. Kung dapat gumawa ay gumawa, at hindi kung ano-anong bagay ang inaasikaso pa. Kaya’t ang masasabi ko nalang ngayon ay ang Matulog Pwede!
Ang sweet mo daddy ko!
Kung ikaw ay isang binatang babae o lalaki na maraming hinaharap na problema, kanino sa tingin mo ikaw tatakbo upang humingi ng gabay o tulong? Sa iyong mga kaibigan? kapatid? kamag-anak? o magulang? Ngunit hindi ba mas nakakagulat kung ang gusto mong takbuhan ay ang mismong lalapit sa iyo?
Nasabi ko ito dahil hindi ko talaga inaasahan ang ginawa sa akin ng aking ama. Mga 3 linggo narin ang nakakaraan ng mangyari ang insidenteng ito. Ako’y nakaharap sa aking computer at gumagawa ng isang proyekto ng biglang lapitan ako ng aking papa. Tinanong niya ako kung ano ba daw ang aking problema, ang sabi ko nama’y wala. Ang sabi naman niya sakin ay hindi siya naniniwala na ako’y walang kahit anong problema kaya’t mas mabuti na daw na sabihin ko sakanya. Dahil nga ama ko siya, alam ko naman na kahit papano matutulungan niya ko sa aking pinagdadaanan, kaya’t buong puso akong nag-open up sakanya.

Nag-usap kami ng masinsinan ng aking ama. Sinabi ko saknya lahat ng aking nararamdaman at mga problema. Matapos yun ay sinabi naman niya ang mga payo niya para sa akin. Ngunit hindi lang basta payo ang kanyang mga nabangit. May nasabi siyang mga bagay na hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya sa akin. Isa sa talagang pinaka sweet na sinabi sa akin ng ama ko noong gabing iyon ay ang “hindi lamang ako nandito bilang isang magulang kundi bilang isang kaibigan rin.” Naiyak nalang ako matapos niyang sabihin iyon dahil hindi ko akalain na ganoong nagaalala ang aking ama sa akin. Syempre sa lahat ng tao tatay ko pa mismo ang magiging ganoon sa akin. Nabangit rin niya na ayaw niya kong nakikitang umiiyak kapag ako’y nag-iisa dahil minsan kapag sinisilip niya ko sa aking kwarto, alam niya kung umiyak ako o hindi. May panahon rin na nag-away kami ng boy friend ko at tinulungan ako ng aking ama na ayusin ang aming problema. Siya narin mismo ang kumausap sa boy friend ko para maayos ang aming relasyon. Nakakagulat man isipin na isang ama ang gumagaw ng lahat ng ito sa anak niyang babae, na dapat ang nanay ang mas katulong niya sa mga problema niya.
Ako kasi yung tipo ng tao na hindi inoopen-up lahat ng bagay. Kung kailangan ko siyang itago, sa akin na lalamng iyon at walang ibang mkakaalam. Kaya’t ako’y nangako sakanya na mas magiging open-up ako, na hangga’t sa maari ay ibahagi ko sakanya ang aking mga daing at problema.
Isa lang talaga ang masasabi ko ngayon, wala man akong matakbuhang iba, andyan parin ang aking magulang na patuloy sumusuporta at handing tumulong sa akin. Mahal ko ang aking mga magulang.
Isa sa aking kinakatakutan ay aking nasubukan!
Noong nakaraang Nobyembre 22, pumunta ako at ang aking mga kaibigan na si Mara, Lian, Gemi, Teng, Paula, Jar, at Rae sa STAR CITY upang ipagdiwang ang kaarawan ni Tina. Iyon ang unang beses kong makapunta sa Star City. Maraming tao, mahaba ang mga pila, ngunit patuloy parin ang kasiyahan.
Sa lahat ng mga theme parks o mga karnibal na aking napuntahan, marami akong rides na nasasakyan, maliban lamang talaga sa isa…. ROLLER COASTER NA MAY LOOP! Isa lang talaga ito sa mga bagay na aking kinakatakutan. Nasasakyan ko naman ang ibang klaseng roller coaster, maliban lamang talaga sa may mga loop. Maaga pa lang ay pinagbantaan at sinabi ko na sa aking mga kasama na “sasakyan ko lahat ng rides sa star city, huwag lang talaga sa roller coaster na may loop!” Matapos ko sabihin iyon ay pinagkaisahan nila akong lahat at sinabi na masaya daw sumakay sa ganoong klase. Ang sabi ko naman sakanila “hindi talaga masaya yun eh!” Syempre, dahil nga kaarawa ni Tina, susubukan kong sumakay at labanan ang takot kong iyon.
Sa Star City may kakaiba silang roller coaster na ang pangalan ay “Star Flyer.” Nasabi kong kakaiba dahil hindi ito ordinaryong roller coaster. Sa sasakyang ito, ang iyong paa ay nakalambitin! Hindi lamang iyon, may dalawa pang magkasunod na loop itong dadaan! O diba? Ang saya saya?

Nasa pila pa lamang kami ay talagang kabado nako. Ang tibok ng puso ko ay mabilis at ang pakiramdam ko’y natataranta o di mapakali. Habang papalapit kami mas lalo akong kinakabahan. Ang nasa isip ko talaga noong mga panahon na iyon ay “Lord, please wag niyo ko pabayaan!” Talagang natatakot ako dahil nga unang beses ko talaga gagawin ang bagay na iyon.
Matapos ang ilang minuto ng pagaantay sa pila, panahon na upang sumakay sa nasabing Star Flyer. Eto na talaga, sobrang kabado na ako sa mangyayari sa amin. Nakaupo pa lamang ako at hindi pa umaandar ay nakasigaw na ako sa sobrang kaba! Lalong lalo na ng nagsimula ng umandar wohooo mas lalo akong napasigaw, napapikit at napakapit ng matindi sa aking upuan! Nakakatawa man isipin, pero talagang takot na takot ako ng mga sandaling iyon. Naramdaman ko talaga ang pagdaan sa loop ng roller coaster, nakapikit na lang ako dahil hindi ko talaga kayang ibukas ang aking mga mata. Matapos ang 2 minuto sa nasabing Star Flyer, ang nasabi ko nalang ay, “yahooooo! Tapos narin, game isa pa!!! hahaha!”
Natutuwa naman ako sa pangyayari dahil kahit papano isa sa aking mga kinakatakutan ay aking nalagpasan at nasubukan na. Isa itong magandang karanasan para sa akin.

S20 Paalam na nga ba? :(
Nakakalungot man isipin ngunit ang ikalawang termino ay patapos na. Kakaunitng araw nalang ang nalalabi upang kami’y magkasama-sama bilang isang “block.” Hindi ko talaga akalain na mapapalapit ako ng sobra sa aking mga kaklase dahil nung unang termino, hindi naman ganoon kabonded ang mga tao. May pitong buwan narin magkakasama ang s20, at sa loob ng pitong buwan na iyon ay may mga kaganapang hinding-hindi ko talaga makaklimutan.
Simula noong aming LPEP, na hindi pa masyadong nagkikibuan at nagsisi pakiramdaman pa ang mga tao. Karamihan ay nahihiya pa, ang iba nama’y punong-puno ng enerhiya at ganadong-ganado sa mga aktibidad. Sa mga unang linggo naman ng aming pagsasama, nagkaroon ng “hati” ang klase, may mga kanya kanyang grupo ang nabuo. Syempre, hiwalay rin ang mga mundo ng babae sa mga lalaki. Dahil nga Computer Science ang aming kurso, mas malaking porsyento ang populasyon ng lalaki sa aming klase. Ngunit makalipas ng isang buwan, ay unti-unti naring nagiging close ang mga tao sa isa’t-isa. Mas marami naring magkakaibigan at magkakakilala. Hangga’t sa dumating narin ang panahon na lumalabas labas na upang magbonding at magpakasaya. Nakakatawa mang isipin ngunit meron naring nabuong mga “isyu” noong mga panahon na iyon sa klase, tulad ng mga “crush ko si…, gusto ko si…, ang ganda ni.., ang cute ni…” at mga iilan pa. At dahil nga sa mga isyu na ito, hindi mo rin maiiwasan na may mga “pang-asar” at “nang aasar.” Ako’y natutuwa sa mga pangyayari dahil ito’y bago para sa akin. Dahil nga nangaling ako sa isang all-girls exclusive school, iba talaga ang pakiramdam na may kaklase kang lalaki at ito’y nakakapanibago. Ang kulit lang talaga isipin ang mga bagay-bagay ng mga panahon na iyon.
Pagdating naman ng pangalawang termino, dito talaga naging mas bonded ang klase. Sa aking palagay marahil narin iyon sa aming PE na ballroom dancing. Pakiramdam ko lang na dahil sa PE kaya mas masaya at bonded ang mga tao. Ayaw man nung iba ng sayaw noong una, ngunit pagkalipas ng ilang linggo ay kita mo namang nageenjoy narin sila kahit papano. Dahil narin siguro sa ballroom dancing kaya’t nawala na ang “ilang” at hiya ng mga tao sa isa’t-isa. Mas dumami narin ang mga lakad at gimik ngayong termino. Tuwing hapon, parating tumatambay at kumakain ng magkakasama ang karamihan. Parating maraming kwentuhan at tawanan. Kahit malalakas ang “trip” ng iba, ang iba nama’y sumusunod at “go” lang din. Nakakatuwa dahil nga sobrang dikit na talaga ang karamihan. Kitang-kita na talgang may “bond” ng nabuo sa amin.
Nang kami’y nag online enrollment na, ang aming skedyul sa susunod na termino ay magkakaiba na, kaya kami’y nalungkot bigla. Gustohin man naming magkakasama kami, hindi naman namin magawa. Kaya nitong mga huling linggo, sinusulit namin ang bawat oras na pwede kaming magkakasama. Hangga’t maari kumakain kami ng sabay sabay o di kaya’y tumatambay lang sa mcdo. Hindi ko nga akalain na kahit ang mga lalaki ay naging emosyonal din dahil sa parehong rason. Nakakatouch lang kasi na kahit sila ganoon rin ang nararamdaman.
Simula unang termino hanggang ngayon, hindi ko talaga akalain na magkakaroon talaga ng “bond” sa amin. Ngayon na malapit na kaming maghiwa-hiwalay, parang ang hirap kasi nga nasanay na kami sa “presence” ng bawat isa. Iba-iba man ang aming skedyul sa susunod na termino ang s20 ay s20 parin, sana walang magbago at wala rin magkalimutan.

Travelogue: Ang bansang Japan :)
Noong nasa hayskul pa lamang ako, ang aking ama ay nagtratrabaho sa Japan bilang isang arkitekto. Tatlong beses lamang sa isang taon siya nkakauwi ditto sa Pilipinas. Kaya noong summer 2004 buwan ng Abril napagdesisyonan naming pamilya na pumunta sa Japan.
Lulan ng isang eroplano, 4 na oras at 30 na minuto ang biyahe patungong Tokyo, Japan. Habang kami’y nasa himpapawid ng bansang Japan, kitang-kita mula sa eroplano ang kagandahan ng kanilang bansa. Mapuno at berdeng berde ang kapaligiran. Walang polusyon kaya’t malinaw mong matatanaw ang bansang Japan. Ang aming pag-landing ay matiwasay naman.
Sa airport pa lamang ay masasabi mo ng “wow,” dahil talaga namang napakaganda nito, kumpara sa ating airport at iba pang airport na aking nakita. Mula sa airport ay sinundo kami (mama, kuya at ako) ni papa. Sumakay kami ng tren papuntang Ueno station, at mula doon ay sinundo kami ng aking tita.
Hindi ko inaasahan ang matinding lamig dahil ang aking nasa isip ay summer nga. Ngunit doon ay parang hindi, malamig ang hangin araw’t gabi. Ilang patong narin ang suot kong damit, pero nararamdaman ko parin talaga ang matinding lamig
Kami ay tumuloy sa apartment ng aking ama at mahigit isang buwan ang aming ipinamalagi doon. Sa sobrang dami nameng lugar na napasyalan at nasilayan, sasabihin ko na lang ang ilan na talagang hindi ko makakalimutan.
Kasunod na araw ng aming pagdating. Pumunta kami kaagad sa Tokyo, Disneyland. Wala naman ito masyadong pinagkaiba sa ibang Disneyland na aking nakita (tulad ng sa Estados Unidos). Ang pinagkaiba lang ay Hapon ang salita sa mga rides, iilan lamang ang rides na may translation, para sa mga foreigners tulad namin.
Pinuntahan rin namin ang Ginza, kung saan nagtratrabaho ang aking papa. Maihahantulad ko ito sa New York o Makati dahil ito ay ang parang kanilang “business district.” Mula Ginza ay nagpunta naman kami ng Akihabara. Ang Akihabara naman ay isang lugar na kilala bilang sentro ng bilihan ng mga elektroniks at teknolihiya. Dito mo makikita at diko ka makakabili ng iba’t-ibang klaseng gadgets. Talagang malulula ka sa dami ng gadgets na iyong masisilayan gaya ng cellphone, tv, kamera, bidyo kamera, gameboy, computer, laptops, at marami pang iba.
Isa sa lugar na aming napuntahan doon na hinding hindi ko talaga makakalimutan ay ang Nikko National Park, na matatagpuan sa Nikko, Yamato, Japan. Isa ito sa aming lugar na aming binisita na talaga namang napakalamig ngunit napakasaya, dahil dito ko unang beses makakita at makaranas ng niyebe! Syempre talagang pinagsamantalahan ko na ang sandaling iyon, kaya’t ako’y naglaro muna sa niyebe. Nakakagulat dahil Abril ang buwan na ito at tag-init ang panahon, ngunit may niyebe parin sa kalabundukan.
Ang kaupisinang hapon ng aking papa ang nag dala sa amin sa lugar na iyon. Matapos kaming iikot sa nasabing lugar, naghapunan naman kami sa kanilang tahanan. Talaga namang nakakatuwa ang araw na iyon kahit sobrang nakakapagod. Ito’y isang napakasayang karanasan para sa akin.
Napakaganda na makitang usbong na usbong ang kilalang bulalak ng Japan na Sakura. Aming nasilayan ito sa Ueno Park. Sobrang daming tao ang naroroon upang magpalipas oras at magsalu-salo sa ilalim ng mga punong Cherry Blossoms.
Isa rin sa hindi ko makkalimutang pinuntahan doon ay ang sushi place. Kung saan makakakain ka ng iba’t ibang klaseng sushi na umiikot sa harapan mo. Talagang nakakatuwa na kumain doon dahil nakikita mo kung pano gawin ng mga hapon ang iba’t ibang klaseng sudhi. At isa pa, nakikita ko lamang ito sa mga cartoons or anime noon.
Mahal ang bilihan sa Japan, lalong lalo na ang mga pagkain. Tren ang pinaka rekomendadong paraan upang pumunta sa iba’t-ibang lugar sa Tokyo kung kayo’y walang kotse. Dahil may mga araw na may trabaho ang aking papa, kami’y sinasamahan ng aking titan a mamasyal at pumunta sa mga mall kung saan pwede kami magshopping na hindi gagastos ng ganoon kamahal.
Makalipas ng mahigit isang buwan na pananatili sa bansang Japan, kami’y uuwi narin. Namimiss ko na ang Japan dahil ito’y isang bansang napakaganda at mayaman. Napakalinis rin talaga ng kanilang kapaligiran at displinado ang lahat ng tao.
Hindi ito ang unang beses na pumunta ako ng Japan dahil nung bata pa lamang ako ay madalas na kaming pumunta doon. Ang biyahe naming ito ay isa lang talaga sa hindi ko makakalimutan dahil sa sobrang daming masasayang kaganapan at karanasan.






